-- Advertisements --
israel4

Patuloy pang nadagdagan ang mga nasawi sa Gaza matapos na palakasin ng Israel ang mga protesta nito sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot laban sa Hamas.

Ang pag-igting ng tensyon ay nang dumating ang isa pang convoy ng 17 aid truck sa nasabing lugar.

Dahil ang karahasan ay hindi napipigilan, sinabi ng Iran na ang rehiyon ay maaaring mawalan ng kontrol.

Matatandaan na nagbigay ng babala si ISrael Prime Minister Benjamin Netanyhu sa Hezbollah Lebanon, na nagsasabing ang pagsali sa labanan ay maaaring kumitil sa buhay ng mamamayan.

Ang mga militante ng Hamas sa Gaza ay lumusob sa hangganan patungo sa Israel noong Oktubre 7, naglunsad ng isang pag-atake.

Ang nasabing pang-bobomba ay kumitil sa buhay nang hindi bababa sa 1,400 katao na karamihan ay mga sibilyan na binaril.

Una na rito, ang naturang 17 truck aid ay ang paunang mga tulong sa kabuuang 20 trucks na magmumula sa US.