-- Advertisements --
NAGA CITY – Ikinabahala umano ng mga residente ng Estados Unidos ang pag-atake ng Iran sa al-Asad base sa bansang Iraq.
Ito ay kaugnay sa ginawang pagpapaulan ng Iran ng missiles sa base militar ng Estados Unidos sa Iraq.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International Correspondent Pinoy Gonzales sa America, sinabi nitong lubhang ikinagulat ng lahat ang
naging aksyon ng Iran.
Subalit ayon kay Gonzales, nakalatag at handa na naman ang over all action plan ng Estados Unidos kontra sa Iran sakaling magpakawala ulit ito ng mga missile.
Samantala, sa naging pagharap naman aniya ni Defense Secretary Mark Esper, nanindigan ito na kung sisimulan ng Iran ang giyera ay preparado silang tapusin ito.