-- Advertisements --

NAGA CITY – Nararamdaman na rin sa kahit sa mga lugar na pinangyayarihan ng giyera sa Israel ang mga pag-atake ng Hamas Militants.

Sa report ni Bombo International News Correspondent Eva Maranan mula sa Israel, sinabi nito na kahit na medyo malayo na ang kanilang lugar sa pinagyayarihan ng kaguluhan sa nasabing bansa, naririnig at nararamdaman nila ang pagyanig ng daga dahil sa mga pag-atake at nakikita rin umano nito sa kalangitan ang mga air strikes.

Aniya, kung napapansin umano nila na malapit lamang sa kanilang lugar ang bomba, agad silang tumatakbo patungo sa mas ligtas na lugar o sa safety room o bomb shelter ng mga gusali.

Dagdag pa ni Maranan, sa loob ng 22 taon na pananatili nito sa bansa nasanay na rin ito sa mga ganitong klase ng insidente ngunit inamin rin nito na nakakaramdam pa rin ito ng takot dahil mayroong posibilidad na makarating na sa kanilang lugar ang pag-atake dahil marami umano ang tumutulong sa grupo ng Hamas.

Lalong-lalo na at ang kanilang lugar ay napapagitnaan ng Jerusalem at Tel Aviv kung kaya hindi rin maiwasan na mabahala at mag panic buying ng mga kailangan nila ang mga residente sa lugar. Dagdag pa nito na noong nakaraang araw ng Sabado, Oktobre 7, 2023 ng madaling araw ay inakala nilang kulog lamang ang naririnig nilang sumasabog. soboot nin mag-oomagahon, pighuna sana kaini na daguldol an saiyang nadangog.

Binigyan diin naman nito, na kung sakali naman na makarating na sa kanilang lugar ang pag-atake ng grupo, mayroon naman silang bomb shelter na mapapagtaguan at mayroon rin naman silang sapat na supply ng pagkain.

Nakahanda na rin naman aniya ang mga awtoridad sa lugar na magbigay proteksyon at seguridad sa mga tao kung kinakailangan.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman aniya ang pananalangin ng mga ito para sa kanilang kaligtasan.