-- Advertisements --

Malaking kawalan umano sa komunistang grupo ang pag-aresto sa sinasabing secretary general ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) nitong Lunes.

Pinuri ni Department of Interior and Local Government Sec, Eduardo Año ang pulisya at militar sa pag-aresto kay Esterlita Suaybaguio Espinosa.

Kinilala ni Año si Suaybaguio bilang dating secretary ng Southern Party Committee and Komisyon Mindanao bago umano kinuha ng CPP Central Committee.

Inatasan raw ito i-revitalize ang recruitment ng mga estudyante, kabataan at labor recruitment para sa Communist Movement dito sa kalakhang Maynila.

Binigyang-diin ng kalihim na isang magandang example si Suaybaguio ng panlilinlang sa gobyerno na isang CPP-NPA leader, party member at National Democratic Front consultant.

Kasalukuyang nakakulong sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) si Suaybaguio. Nainquest na rin sa korte ang suspek.

Kaugnay nitoo, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) BGen. Joselito Esquivel malaking banta sa seguridad ang suspek dahil siya ang taga recruit ng mga miyembro at taga bigay ng supply sa mga rebeldeng NPA.