-- Advertisements --
Target pa ng PNP na makakalap pa ng mas malakas na ebidensiya para lalo pang madiin sa kaso si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Ito ang inihayag PNP Spokesperson SSupt. Banac.
Aniya, pinuri ni PNP chief PDGEn Oscar Albayalde ang matagumpay na operasyon na pinangunahan ng CIDG.
Isinilbi kasi kanina ang dalawang search warrant sa bahay ng alkalde kung saan kasama itong naaresto.
Narekober sa bahay ni Mayor Baldo ang dalawang cal. 45; 16 rounds ng cal 45; 1 ammo ng grenade launcher; 1 mag ng uzi; 1 ammo ng M16; at isang Isuzu Altera.
Nagpapatuloy ngayon ang inventory habang dadalhin naman sa CIDG 5 headquarters si Mayor Baldo para sampahan ng kaukulang kaso.










