-- Advertisements --

Salceda inirekomindang pag-aralan ang posibilidad ng normal classes sa mga lugar na walang COVID-19 cases

Inirekominda ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na pag-aralan ang posibilidad na gawing face-to-face ang pasok ng mga mag-aaral sa mga lugar na walang naitatalang kaso ng COVID-19.

Nauna nang iginiit ni Education Sec. Leonor Briones na walang face-to-face classes hangga’t sa walang bakuna laban sa COVID-19, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero ayon kay Salceda, maiiwan naman sa planong ito ng DepEd ang mga mahihirap na pamilya na walang kakayahan na bumili ng mga gadgets at mag-subscribe sa mabilis na internet para gamitin sa “blended” learning system sa darating na pasukan.

Inihalimbawa nito ang Bicol region, kung saan tanging 7 percent lamang aniya sa mga bahay doon ay mayroong internet connection.

-- Advertisement --

Iginiit ni Salceda na hindi maaring maudlot ang pag-aaral ng mga estudayante sapagkat sa kada taon na hindi ito nakakapag-aaral ay aabot sa P94 hanggang P136 billion ang economic cost nito sa bansa.