LEGAZPI CITY – Hindi pa lubos na maisip ng lokal na pamahalaan ng Bato, Catanduanes, ang tunay na motibo ng isang Chinese vessel na napadpad sa kadagatang sakop ng lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Johnny Rodulfo, Enero 28 ng kasalukuyang taon pa dumating sa Cabugao Bay ang nasabing barko na may pangalang Jia Geng.
Gayunman, walang anumang komunikasyon sa provincial government maging sa Philippine Coast Guard (PCG).
Dahil dito, “24/7” na nakamonitor at nakabantay ang PCG sa pananatili ng naturang barko lalo pa’t nagdulot ito ng alarma sa mga residente.
Napag-alaman din na tinanggihan ang mga otoridad na pasakayin dahil sa health protocol para sana sa beripikasyon ng dokumento.
Samantala ayon sa PCG, hiniling ng Chinese Embassy sa Department of Foreign Affairs na mabigyan ng dimplomatic clearance ang survey ship na umangkla sa Cabugao Bay dahil sa weather at sea conditions.
Sa kasalukuyan, nakahinga na ng maluwag ang mga residente nang tuluyanng umalis ang Jia Geng matapos ang apat an araw sa Cabugao Bay.