-- Advertisements --

Kompiyansa si Senador Sonny Angara na magbubunga nang positibong pagbabago sa pagpapatupad ng mga proyekto at purchase of goods and services and supplies at iba pang aktibidad ng gobyerno na nalulusutan nang matinding korapsyon ang kanyang isinusulong na pag-amyenda sa umiiral na Government Procurement Reform Act. 

Ayon kay Angara, may mga ahensya ng pamahalaan na sa procurement of basic supplies pa lamang ay inaabot na nang napakahabang panahon bago nila makumpleto. 

Nangangahulugan aniya na walang mahusay na kompetisyon ng bidders at madalas sablay ang procurement of goods ng mga ahensyang ito dahil na rin sa poor planning. 

Dagdag pa, maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagpahayag na panahon na para amyendahan ang naturang batas. 

Gayunpaman, kabilang sa mga isinusulong na reporma sa GPRA ay ang pag-aatas sa mga ahensya ng pamahalaan na magkaroon nang maayos na planning at maagang pagpapatupad ng procurement activities. 

Aatasan sa ilalim ng batas na ito ang Department of Budget and Management na lumikha ng procurement positions sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, para matiyak na mahuhusay at propesyonal ang mga itatalagang procurement practitioners ng pamahalaan.