Hindi mag-aangkat ang bansa ng bigas sa kabila ng malawak na pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa nagdaang bagyong Karding.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban, mayroon pang sapat na buffer stock sa bansa.
Ito ang tiniyak ng DA official kay Pangulong Bongbong Marcos na tumatayong kasalukuyang kalihim ng ahensiya.
Una rito, base sa report mula sa Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng DA sumampa na sa P1.97 billion ang halaga ng pinsala ng bagyo sa agrikultura.
Nasa 81.57% ang bulto ng nasirang palay na katumbas ng 145,229 ektarya ng sakahan ang napinsala ng bagyo at 105,154 metric tons volume loss na nagkakahalaga ng P1.61 billion.
Dahil dito, apektado ang mga naa 88,520 magsasaka at mangingisda mula sa Region 1, Region 3 (Central Luzon), Region 4A (Calabarzon), Region 5 (Bicol) at sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kasalukuyan ayon sa Federation of Free Farmers (FFF), tinatayng mayroong year-end stock pa ng bigas na tatagal 60 hanggang 70 araw.