Hinikayat ng ilang mambabatas ang gobyerno na gawing libre sa pagpapataw ng buwis ang lahat ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay BHW partylist Rep. Angelica Natasha Co, anuman ang uri ng bakuna at saan mang bansa galing ito ay dapat gawing tax-free kahit na itoy gagamitin para sa public o private vaccination program.
Sinabi ng mambabatas na dapat ring kasama sa tax-free ng COVID-19 vaccines ang hindi pagpapataw ng VAT, business taxes, local taxes at iba pang sales taxes at duties.
Giit nito, hindi na kailangan pang magpasa ang Kongreso ng batas hinggil dito dahil maaari namang suriin ng Department Of Finance (DOF) ang COVID-19 vaccines na eligible para sa tax-free status.
Kung hindi ito magagawa ng gobyerno, posibleng umaksyon ng Kongreso, subalit tatagal pa ito ng ilang panahon dahil sa legislative process.










