-- Advertisements --

Nais ni Senate committee on economic affairs chairperson Sen. Imee Marcos na pagpaliwanagin ang Sugar Regulatory Administration (SRA) kaugnay sa tinawag niyang ‘sweetheart deals’ nito sa malalaking kompaniya na gumagamit ng refined and bottler’s grade sugar.

Wika pa ni Marcos, isang araw matapos ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa importasyon, nakuha ng isang malaking softdrinks manufacturer at iba pang processors ng sugared products ang libu-libong tonelada ng asukal.

Gumamit pa umano ang mga ito ng mga negosyante bilang ‘fronts’ para makapagpasok ng mas maraming imported na asukal.

“Why is the SRA so enamored of importation? What vows did manufacturers of sugared products make to get the SRA’s ‘I do?,” tanong ni Marcos.

Bago ito, sinabi ng SRA na malaking pinsala sa industriya ang idinulot ng pananalasa ng bagyong Odette kaya’t kailangang mag-angkat ng 200,000 metriko tonelada ng asukal.

Ngunit reklamo naman ng sugar farmers, isang sugar mill lamang ang nagsara dahil sa bagyo at ang lahat ay may operasyon pa rin naman.