-- Advertisements --

NAGA CITY- Sa gitna ng mas pinahigpit na home quarantine dahil sa coronavirus disease, isang padre de pamilya sa Caramoan, Camarines Sur ang binawian ng buhay matapos pagbabarilin ng armadong kalalakihan sa mismong bahay nito.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na base sa pahayag ng asawa ng biktimang si Eddie Clores, 47-anyos, tinatayang walong pinaniniwalaang miembro ng Local Communist Terrorist Group ang dumating sa kanilang bahay sa Zone 1, Brgy Bahay.

Nang makita ang biktima, agad bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ito kung saan tinamaan sa binti at dibdib.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

-- Advertisement --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen habang pinaghahanap na ang mga suspek na agad na tumakas matapos ang naturang pamamaslang.