-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang padre de pamilya matapos makuryente sa Brgy. Calauag, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Roberto Gonzales, 38.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga mula sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na umuwi ang biktima sa kanilang bahay na nasa impluwensya ng alak at sa hindi malamang dahilan nahawakan nito ang extension wire na naging dahilan para makoryente ito.

Matapos ang insidente, agad namang isinugod sa ospital si Gonzales ngunit binawian parin ito ng buhay.