-- Advertisements --

Nagpasalamat si Senador Robinhood “Robin” Padilla kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos gamitin ng Pangulo ang mas maraming wikang Filipino sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) kaysa sa wikang banyaga.

Ayon kay Padilla, mas madaling naunawaan ng mga karaniwang mamamayan ang mga plano at plataporma ng administrasyon dahil sa paggamit ng sariling wika.

“Maraming salamat sa ating Pangulo at mas marami ang wikang Pilipino sa kanyang talumpati,” ani Padilla.

Dagdag pa niya, “Mas naintindihan naming mga “hampaslupa” ang kanyang mga nais isagawa sa loob ng natitira niyang termino.”

Idinaos ang 5th SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City nitong Hulyo 27, 2026.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Pangulo ang mga programa para sa pagpapatuloy ng paglago ng ekonomiya, pagpapalakas ng imprastruktura, seguridad sa pagkain at enerhiya, at mga hakbang laban sa korapsyon.

Kabilang sa mga binigyang-pansin ay ang mga proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng Build Better More program, suporta sa agrikultura upang mapababa ang presyo ng pagkain, at mga inisyatiba para sa climate resilience.