-- Advertisements --
Mahigpit ang bilin ng Korte Suprema sa mga makikibahagi sa oral argument ukol sa Anti-Terror Law, na pairalin ang kinakailangang health protocols.
Ang mga dadalo sa proceedings ay oobligahing kumuha ng RT-PCR test ukol sa COVID-19.
Magiging limitado rin ang personal na padadaluhin sa pagdarausan ng aktibidad.
Walong abogado ang pahihintulutan mula sa halos 40 naghain ng petisyon, habang ang panig ng Solicitor General ay tatlong abogado lamang ang maaaring humarap.
Gagawin ang oral argument sa main building ng Korte Suprema sa Enero 19, 2021, ganap na alas-2:00 ng hapon.
Inaasahan ng petitioners na sesentro ang mga paksa sa isyu ng karapatang pantao at posibleng pag-abuso ng mga nasa kapangyarihan.










