-- Advertisements --

Ibinunyag ni boxing coach Freddie Roach na hindi na lalaban ngayong taon si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sinabi nito na dahil sa nagaganap na coronavirus pandemic ay mas minabuti na lamang ni Pacquiao na pagtuunan na lamang ng atensiyon ang trabaho nito bilang mambabatas.

Bukod pa sa wala pa rin aniyang napipili si Pacquiao na kaniyang susunod na makakalaban.

Naniniwala din ang kilalang boxing coach na mayroon pang dalawang laban ang fighting senator bago ito tuluyang magretiro.

Huling laban kasi ni Pacquiao kasi ay noong July 2019 ng talunin niya si Keith Thurman.