-- Advertisements --

Inamin na mismo ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao nawalan na ng gana ang mga fight fans na matuloy pa ang laban sa kontra sa mixed martial arts superstar Conor McGregor.

Ayon kay Sean Gibbons, presidente ng promotional company ni Pacman na MP Promotions, biglang nawala ang demand sa Pacquiao versus McGregor matapos na ma-knockout nitong nakalipas na linggo si McGregor sa kamay ni Dustin Poirier sa ginanap na main event ng UFC 257 sa Abu Dhabi.

Sinasabing naging seryoso ang negosasyon ng Pacquiao-McGregor na isasagawa sana ngayong taon lalo na at pareho lamang na iisa ang kanilang management company.

Paliwanag ni Gibbons, hindi na raw magandang options na iharap pa si Pacquiao kay McGregor.

Kung maalala maging ang retired boxing champion na si Floyd Mayweather Jr. ay nangantiyaw kung bakit lalabanan ni Conor si Pacquiao.

Sa ngayon kinakausap umano ng kampo ni Pacquiao na makalaban ang unbeaten lightweight champion na si Ryan Garcia.