Pinagpaplanohang ikasa ng kampo ni IBF welterweight champion Lewis Crocker ang ideyang makalaban si eight-division world champion Manny Pacquiao.
Si Crocker ay naging kampeon sa welterweight division matapos talunin si Paddy Donovan sa pamamagitan ng split decision noong Setyembre.
Sa ngayon, matapos makuha ang titulo, handa na muli si Crocker na sumabak sa panibagong bakbakan kung saan binabalak niyang makalaban ang “Pinoy Pride” Manny Pacquiao.
Ayon kay Jamie Conlan, manager ni Crocker, nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Pacquiao. Kung sakaling hindi matuloy ang laban nito kontra kay Rolly Romero, ikakasa nila ang Crocker vs. Pacquiao.
Samantala, matatandaang matapos ang ilang taong pahinga sa boxing ring, muling bumalik si Manny Pacquiao sa aksyon kung saan nakalaban niya si WBC champion Mario Barrios. Nagtapos ang kanilang laban sa isang tabla.