-- Advertisements --

Nasa South Korea ngayon si Filipino boxing champion Manny Pacquiao para sa promosyon ng exhibition game niya kay martial artist DK Yoo.

Dumalo ang dating senador sa press conference kasama ang YouTube star para kanilang charity fight sa darating na Disyembre 11.

Magiging dalawang minuto kada rounds lamang ang laban kung saan gagamit sila ng 10 ounce gloves.

Ang perang mapapanalunan ay para sa pagtatayo ng bahay sa Pilipinas habang ang ilan ay mapupunta sa bilang tulong sa naapektuhan ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.