-- Advertisements --
Tuloy na ang pagbabalik sa boxing ring ni retired Filipino boxer Manny Pacquiao.
Kasunod ito sa kaniyang pagpirma ng kasunduan sa mixed martial arts promotion na Rizin Fighting Federation.
Sa pagtatapos kasi ng taong 2022 ng ianunsiyo ng dating senador ang nasabing bagong kasunduan.
Hindi pa inilalabas ng nasabing boxing promoters kung ano petsa ang susunod nitong laban.
Magugunitang huling lumaban sa isang exhibition match si Pacquiao ng talunin si Korean mixed martial artist at YouTuber DK Yoo.