Minaliit ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao ang inihaing $3.3 million breach of contract lawsuit at injunction para hindi matuloy ang laban nito kay undefeated American boxer Errol Spence Jr.
Nabatid na ang kaso ay isinulong ng sports manager na si Audie Attar, mula sa Paradigm Sports.
Ayon kay Pacquiao, wala silang nalabag na batas dahil wala namang naisarang deal ang naturang kompaniya para sa susunod na laban ng fighting senator.
“Paradigm Sports’ lawsuit against me has no merit. Sadly, this frivolous lawsuit intends to distract my preparations for a historic fight. But it does not bother me a bit,” wika ni Pacquiao.
Una nang lumutang na nilalakad ng Paradigm na makaharap sana ni Pacman si Mikey Garcia.
Ang Pacquiao-Spence fight ay inaasahang mangyayari sa darating na Agosto 21, 2021.