-- Advertisements --

Nananawagan na si Senator Manny Pacquiao sa China na tanggalin na ang mga barkong pangisda ng mga Chinese militia sa Julian Felipe Reef.

Sinabi ng senador na ang nasabing hakbang ay para matapos na ang pakonti-konting pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Bilang kaibigan at kapitbahay ay nanawagan ang fighting senator sa mga lider ng China na pagsabihan ang mga kapitan ng mga barkong pangisda nila na nasa lugar.

Sa halip aniya na palawigin at manakop ay dapat na patatagin ng China ang mga pakikipag-mabutihan at pakikipagkaibigan sa mga kalapit nitong bansa.

Maguguintang naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China dahil sa presensiya ng mahigit 200 na barkong pangisda ng China sa Julian Felipe Reef.