-- Advertisements --

Humabol din si Senator Manny Pacquiao sa kanyang pagsusumite nitong araw ng Miyerkules sa Comelec ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) noong nakalipas na halalan.

Ideniklara ni Pacquiao na tumakbo sa pagkapresidente, na umaabot sa P119 million ang kanyang ginastos sa pangangampanya kung saan nasa P62 million dito ay mula raw mismo sa kanyang sariling pera.

Sa kabuuang P119,128,914.14 total campaign expenditures ang nasa P62,677,926.12 ay mula umano sa kanyang personal funds.

Habang nakatanggap naman daw si Pacquiao ng P7,750,000 na cash contributions at nasa katumbas na P48,700,988.02 na in-kind contributions.

Kung maalala isa si Pacquiao at si Senator Cynthia Villar sa mga bilyonaryong senador kung pagbabatayan ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).