-- Advertisements --

Nagkasagutan si retired US boxing champion Floyd Mayweather at Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Naganap ito sa isang presscon sa laban ni Mayweather kay Japanese boxer Mikuru Asakura na gaganapin sa Japan ngayon Linggo.

Ibinunyag ni Pacquiao na nagtungo sa Pilipinas pa si Asakura para humingi ng payo sa kaniya sa boxing.

Dito ay sumagot si Mayweather at sinabing mas magiging interesado ang laban niya ngayon sa Japanese fighter dahil sa tinuruan siya ni Pacquiao.

Iginiit pa ng US retired boxer na wala pang nakakatalo sa kaniya at maging ang Filipino boxing champion.