-- Advertisements --

Itinanggi ng kampo nina Senators Manny Pacquiao at Panfilo Lacson na kanilang iaatras ang kanilang kandidatura sa pagkapangulo.

Kasunod ito sa pinatawag nilang joint press conference sa nitong araw ng Linggo.

Sinabi ni Ron Munsayac ang executive director ng Pacquiao PDP-Laban faction na may naipangako ang senator sa mga tao at hindi ito aatras sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Tiniyak din aniya nito ang pagdalo ng senador sa pagpupulong.

Sa panig naman ni Lacson ay hindi umano ugali ng senador na ito ay umatras.

Magugunitang nagpatawag ng joint press conference sina Lacson, Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, Ernesto Abella at Norberto Gonzales nitong Abril 17 para manawagan ng malinis na halalan.

Matapos na kumalat ang nasabing balita ay lumutang ang mga usapin na aatras na sa pagkapangulo sina Lacson, Pacquiao, Abella at Gonzales para magkaisang suportahan na si Moreno-Domagoso.