dionesia Pacquiao Yamson Dugong Bombo

GENERAL SANTOS CITY – Pinatotohanan ni Mommy Dionesia Pacquiao na totoo ang kanyang sinabi na magdo-donate ng dugo ang kanyang boyfriend sa Dugong Bombo Gensan.

Ito ay matapos dumating sa Robinson’s Place alas-2:00 ng hapon kasama si Michael Yamson at mga bodyguard nito.

Kaagad isinalang sa proseso ang mga bodyguard pati si Yamson habang kadikit naman si Mommy D.

Matapos ang personal check-up and readiness kaagad siyang binigyan ng blood bag ang Iloilo native.

Ayon kay Johnny Fuscablo, bahagi ng quality assurance ng Red Cross Gensan na may Type A blood si Yamson nang mag-assess sa pormal na blood donation.

Nakita rin ang full support ng kinikilalang PacMom na nasa gilid lamang kay Yamson na kumakausap dito hanggang nsa atapos ang blood donation.

Una nang sinabi ni Dionesia na malaking tulong sa publiko ang pag-donate ng dugo makaraang binisita ang broadcast center kahapon para suportahan ang blood letting program ng Bombo Radyo Philippines na ginagawa taun-taon.

gensan dugong Bombo