-- Advertisements --

Sasamantalahin ng Indiana Pacers ang maraming mga manlalaro ng New York Knicks na hindi maglalaro dahil sa injury para maitabla sa 3-3 ang Game 6 Eastern Conference Semifinals nila.

Mayroong apat kasi na manlalaro ng Knicks ang may injury habang ang Pacers ay isa lamang.

Kinabibilangan ito nina OG Anunoby, Bojan Bogadonovic, Julius Randle at Mitchell Robinson.

Habang ang Pacers ay tangign si Bennedict Mathurin lamang ang hindi makakapaglaro dahil sa injury.

Magugunitang noong Game 5 ay tinalo ng Knicks ang Pacers 121-91 kung saan namuno dito si All-Star point guard Jalen Brunson na mayroong 44 points, apat na rebounds at pitong assists.

Nasa pangalawang puwesto ang Knicks sa Eastern Conference na mayroong 50 panalo at 32 na talo kung saan tinalo nila ang Philadelphia 76ers sa first round sa loob ng anim na laro.

Habang ang Pacers ay nasa pang-anim na puwesto sa Eastern Conferecne na mayroong record na 47 panalo at 35 na talo tinalo nila ang Milwaukee Bucks sa first round sa loob lamang ng limang laro.

Ang sinumang makapasok sa Eastern Conference Finals kasi ay makakaharap ang Boston Celtics sa araw ng Miyerkules.