-- Advertisements --
Pinatikim ng Indiana Pacers sa Utah Jazz ang unang talo nito sa mismong homecourt sa Vivint Arena sa Salt Lake City, 111-100.
Nanguna sa opensa ng bumisitang Pacers si Malcolm Brogdon na nagtala ng 30 points at 9 rebounds para sa kanilang 5-8 record.
Ang Jazz naman na kagagaling lamang sa panalo ay meron ng apat na talo at walong panalo.
Nasayang tuloy ang ginawa ni Donovan Mitchell may 26 points para sa Utah.
Minalas pa si Rudy Gobert na kahit may 19 points at 11 rebounds ay kasama naman siya sa apat na mga players na na-eject sa fourth quarter dahil sa scuffle.
Liban kay Gobert ang iba pang na-eject ay sina Myles Turner, Mitchell at Joe Ingles na may 4:01 ang nalalabi sa laro.