-- Advertisements --

Kinuha ng Indiana Pacers bilang head coach si Rick Carlisle sa ikalawang pagkakataon.

Pumirma ang 61-anyos na beteranong coach ng $29 milyon na kontrata sa loob ng apat na taon.

Papalitan nito si Nate Bjorkgren na sinibak ng koponan noong Hunyo 9.

Nagtagal lamang kasi sa isang season si Bjorkgren sa Pacers na nagtapos ang record ng koponan ng 34-38 sa 2020-2021.

Si Carlisle ay naging coach ng Pacers noong 2003-2007 na nagtala ng 181 panalo at 147 talo ng koponan sa loob ng apat na season.

Ang pagkuha kay Carlisle ay isang linggo matapos na bumaba ito sa puwesto bilang head coach ng Dallas Mavericks na kaniyang hinawakan mula pa noong 2008.