Inilipat na ng Indiana Pacers ang kanilang shooting guard na si Buddy Heild sa Philadelphia 76ers.

Kapalit nito ay makukuha ng Pacers sina forward Marcus Morris, shooting guard Furkan Korkmaz at tatlong second-round picks.

Ang 31-anyos na si Heild ay nasa huling taon na nito sa Pacers dahil magtatapos na ang kaniyang four-year $94-M kontrata at nagpahayag pagiging bukas sa trade.

May average si Heild ng 12 points, 3.2 rebounds, 2.7 assists at 0.8 steals.

Siya ang sixth pick ng 2016 NBA Draft ng New Orleans Pelicans bago naglaro as Sacramento Kings noong Pebrero 2017.