-- Advertisements --

Matapos na mabaon sa 0-2 ay nakuha ng Indiana Pacers ang back-to-back na panalo sa kanilang home court laban sa New York Knicks sa Eastern Conference 2nd-round series.

Sa game 3 ay tinambakan nila ang Knicks 121-89 kung saan bumida sa panalo si Tyrese Haliburton na nagtala ng 20 points habang mayroong 15 points at 10 assists naman si TJ McConnel.

Sa pagbabalik naman ngayon sa home court ng New York ay desidido sila na makaabanse at hindi nila hahayaan na talunin pa sila ng Pacers sa sariling pamamahay nila.

Isang hamon ngayon sa Pacers ang kawalan ng ilang mga manlalaro nila dahil sa pagtamo ng injury ng mga ito.