-- Advertisements --

Desidido ang Indiana Pacers na maitabla sa 1-1 ang Second Round Eastern Conference Playoffs nila kontra New York Knicks.

Hindi inaalintana ng Pacers na sa homecourt ng Knicks gaganapin ang Game 2 at gaya aniya noong Game 1 ay nahirapan ang New York na makuha ang panalo.

Ilan sa mga pambato ng Pacers na ay sina Pascal Siakam, Myles Turner at Tyrese Haliburton.

Malaking hamon ngayon para sa Knicks ang hindi paglalaro ng kanilang center na si Mitchell Robinson na nagtamo ng ankle injury noong Game 1.

Tiniyak naman nila na maglevel-up ang laro ni Jalen Brunson at Josh Hart na naging susi sa pagkapanalo nila noong Game 1.

Ito na ang pang-pitong paghaharap ng dalawang koponan sa Playoffs ng NBA kaya naging ganun na lamang ang pagiging agresibo ng dalawa na makuha ang panalo.