-- Advertisements --
Dante Jimenez PACC
IMAGE | PACC commissioner Dante Jimenez/Screengrab, RTVM

Inamin ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na lumobo pa ang bilang ng mga reklamong kanilang natanggap ngayong taon laban sa mga opisyal at ahensya ng pamahalaan na sangkot umano sa katiwalian.

Batay sa datos ng PACC mula Enero, 45 mula sa 91 kasong inindorso nila sa kanilang Investigation service ang natapos na sa fact finding stage. May 46 kaso pang on going, at 20 reklamo ng nahainan ng kaso.

Nangunguna sa listahan ng may pinaka-maraming reklamong natanggap ang hanay ng local government unit.

Bukod sa LGUs, tinututukan din ng PACC ang kontrobersyal na barangay health stations ng DOH, unfinished irrigation projects na nagkakahalaga ng P27-bilyon at umano’y korupsyon sa loob ng Philhealth.

Una ng nagpasailalim sa lifestyle check ang regional office division head at dating acting regional vice president Erian Granale.

Sa ngayon, may pending pa raw na 130 lifestyle checks sa listahan ng PACC.

Kabilang dito ang boluntaryong pagpapa-lifestyle check nina Transportation Sec. Arthur Tugade, Agrarian Reform Sec. John Castriciones at Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat.