-- Advertisements --
Arestado ang isang opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) matapos umanong tutukan ng baril ang isang security guard sa Taguig City.
Kinilala ng Taguig City Police ang naarestong si Mariano Jose Villafuerte III, 50, director for intelligence ng PACC.
Batay sa ulat, nagkainitan daw si Villafuerte at guard na si Raul Raet sa harap ng isang ospital.
Agad daw humingi ng saklolo ang biktima sa mga pulis na agad ding rumesponde.
Nakuha mula sa PACC official ang isang 9-mm pistol, tatlong magazine, 48 na bala at gun permit nito.