-- Advertisements --

“No show” sa pagdinig ng kaniyang kaso sa Makati Presecutors Office si Gwyneth Ann Chua na binansagang Poblacion girl, kaugnay sa kasong isinampa sa kanya sa paglabag ng quarantine protcols.

Tanging ang abogado lang nito na, abogado ng hotel at ng boyfriend nito na si Rico Atienza ang dumating.

Magugunitang lumabas sa quarantine hotel si Gwyneth para dumalo sa ilang event sa Poblacion, Makati City noong bagong taon.

Ito’y kahit obligado siyang tapusin ang isolation, dahil nanggaling ito sa Estados Unidos, na may mga kaso ng hawaan ng virus.

Si Chua at walong iba pa ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.

Nakatakda naman ang susunod na hearing sa Pebrero 14, 2022.