ROXAS CITY – Nilooban at ninakawan ang Panit-an National High School sa bayan ng Panit-an, Capiz.

Pinasok umano ng hindi pa nakikilalang mga kawatan ang dalawang classrooms na gagawin sanang cafeteria ng naturang paaralan.

Sa pagsusuri umano ng mga empleyado ng naturang paaralan ay nadiskubrehan na nakuha ng mga magnanakaw ang 26 lahat na window jalousies kabilang na ang frames nito,

Kinuha rin ang mga takip ng walong cubicles ng CR, switch ng koryente at receptacle.

Posible umanong dumaan ang mga suspek sa likod na porsyon ng paaralan.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang naturang insidente.