-- Advertisements --
image 13

Inihayag ng bagong talagang officer in charge ng Land Transportation Office (LTO) na si Hector Villacorta na magiging prayoridad ng ahensiya ang mga paalis na overseas Filipino workers sa pamimigay ng malalabing plastic license cards.

Aniya, mayroon na lamang 53,000 plastic driver license ang natitira sa kanilang storage kayat uunahin muna ang mga OFWs lalo na ang mga na-hire bilang drivers.

Sinabi pa ng LTO official na posibleng hindi tanggapin kung papel na lisensiya ang ibibigay sa mga OFWs na magtratrabaho sa Saudi Arabia o sa iba pang Middle East countries.

Kung matatandaan noong Abril, inanunsiyo ng LTO na iimprinta muna pansamantala sa papel ang mga driver’s license dahil na rin sa kakulangan ng plastic cards.