-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa P95.5 million na halaga ng illegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ma. Graziella Tanaleon, spokesperson ng PDEA Region 6, sinabi nito na ang mga sinunog na illegal na droga ay nakumpiska mula sa iba’t-iba’t operasyon ng pulisya sa buong Western Visayas.
Ayon kay Tanaleon, kabilang sa mga sinunog ay 11.7 kilosng shabu na nagkakalahaga ng P93.8 million at 12.4 kilograms ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.8 million.
Ang pagsunog ay ginagap sa Acropilis Garden sa Barangay Bata, Bacolod City.
Nagbabala rin ang PDEA na hindi sila titigil hanggat hindi nauubos ang illegal na droga sa rehiyon.