Nasa P93 billion na pondo ang kakailanganin ng gobyerno para sa pagtatayo ng post-harvest facilities.
Ito ang inihayag ni Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.
Ayon kay Laurel na sa ganitong paraan ay maisasalba ang P10.7 bilyon na lugi dahil sa mga nasasayang na palay at mais.
Sinabi ng Kalihim na bahagi ng kanilang three-year plan ang pagpupundar ng cold storage facilities sa ilang parte ng Luzon bilang tugon na rin sa oversupply.
Aniya, sakaling maresolba ito sa taong 2025 ay mangangailangan pa sila ng karagdagang P5 bilyon para naman sa vegetable storage facility na ikakalat na sa buong bansa.
“So, if we try to solve the problem as soon as possible, assuming 2025… I need additional P5 billion ‘no to address the vegetable cold storage issue of the whole nation. How to get the money… I’m still new at the government so I’m still trying to figure that out also,” pahayag ni Laurel.
Binigyang-diin ni Laurel, sa ilalim ng three-year plan, ang ahensiya ay mag invest sa post-harvest facilities para mapalakas ang produksiyon at mapababa ang presyo ng bigas at mais.
Sinabi ng kalihim na magtatayo sila ng post-harvest facility sa Dingras, Ilocos Norte na mayruong 120 MT capacity.
Plano din nila magtayo sa Concepcion, Tarlac; Dumangas, Iloilo at Musuan Maramag, Bukidnon.
Bukod sa mga cold storage facility, magtatayo din sila ng ports at agri-industrial ports para tugunan ang isyu sa mga gulay.
“We also have a very big move on the logistics – 30 percent of our produce especially of vegetables is gone because of wastage, because of the poor logistics system in our food supply chain,” pahayag ni Laurel.