-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Aabot sa P90 million ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura ang iniwan ng Bagyong Ambo sa Eastern Visayas.
Ayon kay Angel Enriquez, regional director ng Department of Agriculture (DA)-Region 8, sa buong rehiyon ay probinsiya ng Eastern at Northern Samar ang lubos na pinakaapektado ang sektor ng agrikultura.
Base sa kanilang datos, nakapagtala ng P27,680,000 na total damages sa Eastern Samar habang P62,977,444 sa Northern Samar.
Kasama sa mga naapektuhang produkto ay palay,mais, mga gulay, root crops, saging, fruit tress at livestock.
Samantala, tinatayang 16,470 magsasaka naman ang apektado ng hanap-buhay matapos ang pananalasa ng Bagyong Ambo.