-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dalawang mga indibidwal ang nahuli sa isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Panabo PNP kun saan nasa P8 milyong halaga ng illegal drugs ang narekober.

Isinagawa ang operasyon sa Purok Tambis, Barangay Cagangohan, Panabo City, Davao del Norte.

Nakilala ang mga suspek na sina alias Poloy, 40 anyos, at Ranulfo, 35 anyos, parehong residente ng Purok 3D, Luzviminda, Barangay San Fransisco, Panabo City.

Narekober ng otoridad mula sa mga suspetsado ang mga pakete ng illegal na druga na tumitimbang ng 500g at nagkakahalaga ito ng P8 Million base sa PDEA estimated value.

Pareho ngayon na nasa gikustodiya ng PDEA Davao Del Norte ang mga suspect at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Tiniyak naman ng otoridad na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa illegal na druga at hindi titigilan ang nasasangkot dito.