Nagpaabot ng tulong ang China sa mga sinalanta ng Bagyong Odette sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 million sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.
Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental.
Iginiit ni Huang na gagawin ng China ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa mga sinalanta ng bagyo kamakailan.
Umaasa raw sila na makakabalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga mga biktima ng bagyo sa lalong madaling panahon.
“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” ani Huang.