-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos umanong mabigo sa pag-remit ng mandatong share ng estado mula sa mga kita nito.

Batay sa annual audit report ng COA, hindi nakapag-remit ng 50-percent share mula sa net profit nito ang PCSO sa national government mula 1994 hanggang 2016.

Aabot daw sa P8.42-milyon ang failed remittance ng PCSO.

“PCSO has not declared and remitted dividends to the National Government (NG) for dividend years (DYs) 1994 to 2016 in the total amount of P8.426 billion, contrary to the provision under Section 3 of Republic Act (RA) 7656.”

Sa ilalim ng Republic Act 7656, mandato ng mga government-owned or -controlled corporations gaya ng PCSO na magdeklara o mag-remit ng 50-percent ng kanilang annual earning sa pamahalaan.

Kaugnay nito sinabi ni PCSO may liham noon ang Department of Finance na nag-exempt sa kanila mula sa probisyon ng batas.

Ayon sa ahensya, sinabi ng DOF na kinikilala nito ang mandato ng PCSO na ilagay sa charity fund ang lahat ng balances mula sa kanilang malilikom na kita.