-- Advertisements --

Naglaan ng nasa Php 8.4 billion na halagang pondo ang Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.

Sa pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Bombo Radyo Philippines ay sinabi niya na nagpapatuloy ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na lokal na halalan sa kabila ng kanilang inaasikasong preperasyon para sa mga plebesitong kanilang dapat gawin.

Inamin rin niya na hindi na siya nangealam pa sa mga nakaplanong aktibidad ng management committe para sa paghahanda nito sa susunod na eleksyon upang hindi na magulo pa ang time table na sinusunod nila.

Sa ngayon ay nagsisimula na aniya ang poll body sa procurement process na kinakailangan kasabay ng pagtiyak sa taumbayan na hindi magagastos sa mga walang kwentang bagay lamang ang pera at pondo ng sambayanan.

Magugunita na winakasan na ng Comelec ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections noong Hulyo 23, 2022.