-- Advertisements --

Tuluyang kinansela ng Department of Budget and Management (DBM) ang kontrata para sa pagbili ng P727-million na personal protective equipment (PPE).

Ito ang naging anunsyo ni Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao sa pagdinig ng Senate finance committee nitong Lunes.

Ayon kay Lao, pumalpak ang Ferjan Health Link Philippines, Inc. sa pagtupad sa kasunduan para maihatid sa tamang oras ang binibiling PPE.

Pinawi naman ng opisyal ang pangamba ng mga senador at maging ng publiko dahil may mahigit 2,000,000 pa umanong PPE na magagamit ng medical personnel hanggang sa buwan ng Oktubre.