Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na maaaring makapag-avail ang mga ito ng cofinement coverage para sa heat stroke, sunstroke at heat exhaustion na P6,500.
Kabilang dito ang P4,550 para sa hospital fees at P1,950 para naman sa professional fees.
Ginawa ng state insurer ang naturang pahayag kasabay na rin ng pagsisimula ng dry season ang sakit tulad ng heat stroke ang pinaka-seryosong heat-related illness at maaaring magresulta ng permanenteng kapansanan o kamatayan kapag hindi nakatanggap ng emergency treatment.
Ayon kay PhilHealth acting President and Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma, Jr. mataas ang banta ng heat stroke sa mga nakatatanda, mga bata at mga indibiwal na mayroong chronic diseases.
Bilang paunang lunas, aniya maaaring mag-apply ng basang bimpo o tuwalya sa ulo,leeg, kili-kili at singit.
Maaari ding bigyan ng ice bath ang pasyente upang mapababa ang kaniyang body temperature.