Nakatakdang sampahan ng patong-patong na kaso ang mga sangkot sa pag-deliver ng kush o high grade marijuana na naharang ng mga operatiba ng Bureau of Customs NAIA (BoC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Ang dalawang claimants ng air parcel na naglalaman ng P600,000 na halaga ng Kush Marijuana ay sa pamamagitan ng controlled delivery sa Batangas.
Kinilala ang mga claimants na sina Van Joshua Magpantay at Johnyengle Hernandez na naaresto sa isang vape shop sa Lipa city, Batangas.
Ang parcel arrived ay dumating sa pamamagitan ng Fedex Pasay City at ipinadala ito sa mga suspek ni Nina Manual mula California, USA.
Ito ay misdeclared na “musical instruments” at ang consignee ay “Dimitria Escalona” ng Batangas.
Nang isinailalim sa x-ray scanning at 100 percent physical examination ng BoC personnel ar PDEA ang kontrabando ay dito nalaman na naglalaman ang bagahe ng dalawang vacuum sealed transparent plastics na naglalaman ng 500 grams ng mga tuyong dahon at nang suriin lumalabas na isa itong high-grade marijuana na mas kilalang kush.
Nasa custodial investigationa na ngayong ng PDEA ang dalawang suspek at inihahanda na ang mga criminal charges dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act.