Nakasabat na naman angvBureau of Customs (BoC) ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P60 million sa Subic, Pampanga.
Ayon sa BoC, ang mga kontrabando ay nakasilid sa 2×40 container ban.
Ang kargamento ay nakapangalan sa BWFIC trading na dumating sa Port of Subic mula China na sinasabing naglalaman ng steel wire mesh.
Pero nang busisihin ang kargamento ay dito na tumambad ang mga smuggled na Union at D&B cigarette brands.
Haharap ang mga sangkot sa shipment ng kargamento sa mga kasong paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No. 03 Series of 2004 at NTA Board Resolution No. 079-2005 na may kaugnayan sa Section 1113 (f) at Section 1400 (Misdeclaration) sa ilalim ng R.A 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).