-- Advertisements --

Nakatakdang maghain ng P50 million supplemental budget si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap para sa pension at gratuity fund ng mga retired military at police personnel na binawasan sa nation budget.

Pagtitiyak ito ni Yap matapos na akusahan kahapon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor si Speaker Lord Allan Velasco hinggil sa P20 billion na ibinaba ng pension at gratuity fund ng mga retired military at police personnel sa 2021 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Yap, inihahanda na niya ang supplemental budget na nagkakahalaga ng P50 billion para mabawi naman ang P70-billion budget cut na ginawa naman daw ng dating liderato ng Kamara.

Nilinaw din nito na ang 2021 GAA ay masusing binusisi ng bicameral conference committee at ng executive department, kabilang na ang Department of Budget and Management.

Ang P20 billion na inalis na pondo ay napagkasunduan ng DBM, Kamara at Senado.

Sa kabilang dako, mariing pinabualaanan naman ni dating deputy speaker Luis Raymund Villafuerte na ang alegasyon ni dating House Committee on Appropriations chairman Isidro Ungab na binawasan nila ng P70 billion ang gratuity at pension funds sa ilalim naman ng 2020 national budget.