Nananawagan si Kabataan party-list Rep. Sarah Elago kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang gawing pabuya ang P50 million sa makakagawa ng bakuna para sa COVID-19.
Pahayag ito ni Elago matapos na itinaas ni Pangulong Duterte sa halaga ng naturang pabuya mula sa dati nitong alok na P10 million.
Sinabi ni Elago na mas mainam kung ibigay at gamiting pandagdag sa subsidiya na ibinibigay sa mga scientists at research institutions, lalo na sa mga state universities o colleges.
“This 50-M should not serve as bounty, but as necessary support that must be given now,” ani Elago.
Sa ganitong paraan mas mahihikayat aniya ang mga eksperto at magpapalakas din sa kapasidad ng mga health research institutions para sa paggawa ng bakuna sa nakakamatay na sakit na COVID-19.